Task Force Safe Election 2018, pagaganahin na ng PNP

By Mark Makalalad May 07, 2018 - 10:39 PM

Pagaganahin na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang special task force para sa gaganaping Baranggay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sa 190,000 na buong bilang ng mga pulis sa bansa, nasa 70 hanggang 80% ang kanilang ipakakalat sa iba’t ibang polling precincts para magbigay seguridad.

Bahagi raw ito ng kanilang preparasyon tuwing ginaganap ang national at local elections.

Paliwanag pa ni Albayalde, kahit na 5 taon na ang nakalipas mula nang huli silang humawak ng Baranggay at Sangguniang Kabataan elections, ay wala naman silang nakikitang problema dahil sanay na sila sa pangangasiwa dito.

Samantala, bukod sa nationwide task force, magkakaroon naman ng hiwalay na Special Operations Task Group Masbate ang PNP.

Nabatid kasi na COMELEC controlled na ang lugar dahil lahat ng qualifier ng pagiging election hotspots ay nandito kagaya ng political rivalry, presensya ng armed groups, aktibidad ng criminal gangs, at pagkalat ng loose firearms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.