Makaraan ang apat na linggong sunud-sunod na oil price hike ay magpapatupad naman ng bahagyang rollback bukas ang mga oil companies.
Sa kanilang advisory, aabot sa P0.30 kada litro ang kaltas sa presyo ng diesel at gasolina.
Aabot naman sa P0.60 ang bawas sa bawat litro ng kerosene o gaas.
Apektibo alas-sais bukas ng umaga ang nasabing price rollback samantalang ang ilang kumpanya naman ng langis ang nagsabi na babawasan na nila ang kanilang presyo simula mamayang alas-dose ng hatinggabi.
Sinasabing ang pagbaba ng contract price ng diesel sa world market ang siyang dahilan ng rollback.
Wala namang paggalaw na inaasahan sa halaga ng auto LPG at cooking gas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.