Ejercito: Pambabastos ng China sa Pilipinas lantaran na

By Jan Escosio May 07, 2018 - 06:46 PM

Pinaghahain na ni Senator JV Ejercito ang Department of Foreign Affairs ng diplomatic protest laban sa China kaugnay sa paglalagay ng missile system sa Spratly’s.

Giit ni Ejercito lantarang pambabastos na sa soberenya ng Pilipinas ang hakbang na ito ng China dahil hindi lang airfield o istraktura ang inilagay sa tatlong isla.

Aniya sinusuportahan niya ang administrasyong-Duterte ngunit sa huling pangyayaring ito ay kailangan nang maghain ng diplomatic protest laban sa China.

Banggit pa ng senador, maari naman maipagpatuloy pa rin naman ang ugnayang pang ekonomiya ng dalawang bansa pero hindi na dapat palagpasin ang pagpasok sa ating teritoryo.

Pagdidiin ni Ejercito nakasaad sa Saligang Batas na dapat ay ipaglaban natin ang ating teritoryo.

TAGS: China, Ejercito, missile system, West Philippine Sea, China, Ejercito, missile system, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.