Esperon aminadong walang report sa missile system ng China sa West Phil. Sea

Wala pang opisyal na report na natatanggap si National Security Adviser Hermogenes Esperon kaugnay sa missile system deployment ng China sa West Philippine Sea.

Sa ngayon, sinabi ni Esperon na tanging sa media niya lamang narinig ang ulat na may missile system ang China sa West Philippine Sea.

Gayunman, tumanggi na si Esperon na tukuyin kung mayroong ginagawang koordinasyon ang kanyang tanggapan sa mga kaibigang bansa ng Pilipinas gaya ng Amerika, Japan, Australia at iba pa.

Una dito, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na beniberipika pa ng palasyo ang ulat ng missile system ng China sa West Philippine Sea.

Nauna dito ay inulan ng batikos ang Malacañang dahil sa pananahimik sa nasabing isyu.

Read more...