PNP: Barangay officials sa narcolist hinamon na magpa-drug test

Inquirer file photo

Sumailaim sa drug-test.

 

Ito ang matapang na hamon ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde sa mga baranggay officials na nasa narco-list.

 

Ayon kay Albayalde, kailangang patunayan ng mga opisyal na pinangalanan ng Philippine Drug Enforcement Agency na malinis sila at hindi talaga sangkot sa iligal na droga lalong lalo na yung mga tatakbo sa May 14 elections.

 

Inahalimbawa niya dito ang Region 1 kung saan marami na anyang mga incumbent at kandidato sa eleksyon na nagpasailalim sa voluntary drug test.

 

Ayon sa PNP chief, idinadahilan ng mga kandidato na hindi required sa ilalim ng batas ang drug test, pero aniya kahit na hindi ito required ng batas ay wala naman sigurong dapat ikatakot ang mga ito kung talagang hindi sila gumagamit ng droga.

 

Samantala, sinabi naman ni Albayalde na matapos ang pagbubulgar ng narco-list ay may iilan ilan ng mga baranggay officials ang humarap sa kanya para magpaliwanag. 

Read more...