P60 Million advertisement isasauli ng “Bitag” sa DOT

Radyo Inquirer

Ibabalik ng Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) ang P60 Million na ibinayad ng Department of Tourism para sa advertisments sa kanilang programang Kilos Pronto sa PTV4.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni DOT Secretary Wanda Teo na nangako si ang producer at host ng show na si Ben Tulfo na ibabalik ang nasabing halaga sa kagawaran.

Magugunitang inulan ng batikos ang DOT pati na rin si Tulfo dahil sa nasabing kontrobersiya kasabay na rin ng  alegasyon ng nepotismo makaraang maitalaga sa ilang posisyon sa kagawaran ang mister ni Sec. Teo.

Ani Topacio, ibabalik ng BMUI ang milyun-milyong piso bilang act of good faith at goodwill, at para ipakita na wala silang malisya sa placement ng advertisement.

Inilagay ng DOT ang advertisements sa mga programa ng BMUI sa People’s Television Network o PTV-4.

Si Ben Tulfo ay kapatid ni Sec. Teo.

Read more...