Rappler nagsumite ng kontra-salaysay sa kinakaharap na tax evasion case sa DOJ

By Ricky Brozas May 07, 2018 - 12:32 PM

Naghain na ng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) ang CEO ng online news site na Rappler na si Maria Ressa.

Pinanumpaan ni Ressa ang kaniyang kontra-salaysay sa harap ni Assistant State Prosecutor Zenamar Caparros para sa reklamong P133-Million na tax evasion isinampa ng Bureau of Internal Revenue.

Nanindigan si Ressa at ang Rappler na walang nangyaring tax evasion.

Nanawagan naman si Ressa sa pamunuan ng BIR na gawin ng maayos ang kanilang trabaho at mag-imbestiga muna bago mag-sampa ng anomang reklamo.

Ayon kay Ressa, malinaw na isang political harassment ito sa kanila bilang mga mamamhayag na gumagampan lamang sa kanilang tungkulin.

Sa reklamo ng BIR, nag-isyu ang Rappler Holdings Corporation ng P181.67-Million na halaga ng Philippine Depository Receipts o PDR Sa dalawang dayuhang kumpanya noong 2015 at nabigong magbayad ng income at value added tax sa gobyerno.

Sinabi ng BIR na dahil sa kabiguan ng Rappler na asikasuhin ang kanilang obligasyon sa pamahalaan, lumobo sa P133.84-Million ang tax liability ng nasabing kumpanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: BIR, department of justice, Zenamar Caparros, BIR, department of justice, Zenamar Caparros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.