Mga armas at sangkap sa paggawa ng pampasabog, nakumpiska naarestong miyembro ng MILF sa Sultan Kudarat

By Rohanisa Abbas May 07, 2018 - 11:56 AM

Nakumpiska ang samu’t saring armas, improvised bomb at mga sangkap sa pampasabog sa bahay ng hinihinalang myembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, komander 33rd Infantry Battalion, inaresto ng mga otoridad si Lasian Manibpel.

Ipinahayag ni Cabunoc na sinalakay ng pulisya at militar ang bahay ni Manibpel matapos ang pagsabog sa labas ng isang simbahan sa Koronadal City noong April 29.

Ayon sa militar, miyembro umano ng MILF ang suspek batay sa identification card na narekober sa kanyang bahay.

Ilan sa mga nakumpiska sa bahay ni Manibpel ang isang bomba, rifle grenades, M16 rifle at dalawang shotguns.

Ayon kay Senior Supt. Nestor Salcedo, hepe ng South Cotabato police, ang mga sangkap sa pampasabog na nakuha sa bahay ng suspek ay kahalintulad ng bomba sa pagpapasabog sa Koronadal City.

Ani Salcedo, posibleng si Manibpel ang gumawa ng bomba na ginamit sa pagpapasabog sa labas ng simbahan sa naturang lungsod.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Koronadal City, Radyo Inquirer, sultan kudarat, Koronadal City, Radyo Inquirer, sultan kudarat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.