Sunud-sunod na pagyanig ang naramdaman sa El Salvador na sumira sa halos 200 kabahayan at nadulot ng pagguho ng lupa.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), hindi bababa sa siyam na lindol na hindi bababa sa magnitude 4.3 ang tumama sa rehiyon. Kabilang dito ang tatlong na nasa magnitude 5.2 hanggang 5.6.
Ayon kay USGS geophysicist Don Blakeman, posibleng foreshocks ang mga pagyanig na ito sa magnitude 5.6 na lindol pasado ala-1:00 ng hapon sa El Salvador. Naitala ang episentro nito 12 kilometro ang layo sa Intipuca at may lalim na 10 kilometro.
Bunsod nito, inalerto ang mga bayan ng Chirilagua, San Miguel at La Union. Sinuspinde na rin ang klase sa mga naturang lugar.
Sa ngayon, nagpapadala na ng tents ang gobyerno sa lugar para sa mga residenteng nawalan ng tirahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.