MILF pinayagang bumoto sa Brgy. at SK elections ang kanilang mga miiyembro
Pinayagan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga myembro nito na bumoto sa barangay at Sangguniang Kabataan election.
Ayon kay Von Al Haq, tagapagsalita ng military arm ng MILF na Bangsamoro Islamic Armed Forces, nakasalalay naman sa mga myembro kung boboto sila o hindi.
Gayunman, sinabi ni Al Haq na hindi pa sila maaaring tumakbo sa eleksyon o makilahok sa pangangampanya.
Maliban dito, pumayag din ang MILF ang pagtatayo ng polling precincts sa mga teritoryo nito.
Ayon kay Al Haq, lumagda sa isang kasunduan ang Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) ng MILF at ang militar na pinapayagan ang pwersa ng gobyerno sa mga teritoryo ng MILF para sa eleksyon.
Nilinaw naman ni Al Haq na kinakailangan pa rin ang ugnayan para maiwasan ang kalituhan at friendly fire.
TIniyak naman ng MILF na handa itong magbigay ng suporta sa pwersa ng gobyerno ngayong halalan kung kinakailanngan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.