Magkapatid patay, 10 sugatan sa sunog sa Cebu City
(UPDATE) Dalawa ang patay at sampu ang nasugatan sa sunog na naganap sa Sitio Kawit, Barangay Ermita, Cebu City.
Ayon kay Fire Superintendent Ceasar Patrocinio, tinatayang aabot sa 90 bahay ang natupok ng sunog.
Nasawi isang 9 na taong gulang na babae at isang 2 taong gulang na lalaki na magkapatid na kapwa unang iniulat na nawawala.
Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Nagiel Bañacia, natagpuan na nila ang katawan ng 9 na taong gulang na batang babae sa loob ng nasunog nilang bahay.
Sa inisiyal na imbestigasyon, sa bahay ng isang Eda Alunod nagsimula ang apoy.
Ayon kay Patroocinio, sumabog ang gas stove sa bahay ni Alunod.
Nagsimula ang sunog alas 5:46 ng umaga ng Lunes (May 7) na mabilis na kumalat at iniakyat sa Task Force Bravo.
Alas 8:04 ng umaga nang ideklarang kontrolado na ang sunog.
Tinatayang aabot sa P1.5 million ang halaga ng napinsalang mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.