Bomba pinasabog sa loob ng mosque sa Afghanistan, 14 ang patay, 33 sugatan

Patay ang labingapat na katao at sugatan ang 33 iba pa makaraang sumabog ang isang bomba sa loob ng isang mosque sa eastern Afhganistan.

Ang nasabing mosque ay ginagamit bilang lugar para sa voting registration nang maganap ang insidente.

Ayon kay Talib Mangal, tapagsalitan ng provincial governor sa bayan ng Khost, nangyari ang pagsabog habang abala ang mga tao sa pagdarasal habang ang iba naman ay nagtipon doon para kunin ang kanilang voter registration cards.

Sa Oktubre nakatakdang magsagawa ng eleksyon sa Afghanistan na kauna-unahang eleksyon mula noong 2014.

Agad namang itinanggi ng Taliban na sila ang nasa likod ng pagpapasabog.

Noong nakaraang buwan, inatake ng Islamic State suicide bomber ang voter registration center sa Kabul kung saa 60 ang nasawi at 130 ang nasugatan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...