Magiging mainit ang panahon sa May 14 na araw ng eleksyon – PAGASA

By Jong Manlapaz May 07, 2018 - 08:54 AM

Pinayuhan ng weather bureau ang mga boboto sa May 14 Barangay at SK elections na sa umaga gawin ang pagboto.

Ayon kay PAGASA Senior Weather specialist Leny Ruiz, sa ngayon wala pa silang nakikitang sama ng panahon na posibleng pumasok sa bansa.

Dahil diyan asahan aniya na magiging mainit ang klima sa May 14.

Pinakamainit naang temperatura na posibleng maranasan sa pagitan ng ala 1:00 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon.

Ayon sa PAGASA, posibleng pumalo ang temperatura mula sa 34 hanggang 36 degrees Celsius.

Pero posibleng magkaroon naman ng isolated rainfall dulot ng thunderstorm pagdating ng hapon at gabi depende sa lugar na mas maraming mahihigop na moisture para makabuo ng thunder clouds.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: heat index, high temperature, may 14 elecitons, Pagasa, weather, heat index, high temperature, may 14 elecitons, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.