Bagong BuCor Dir. Ronald dela Rosa, dumalo sa flag raising ceremony

Inquirer file photo

Dumalo sa kaniyang kauna-unahang flag raising ceremony bilang direktor ng Bureau of Corrections (BuCor) si dating Philippine National Police chief Ronald dela Rosa sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Sa kaniyang talumpati matapos ang flag raising, pinagsabihan ni Dela Rosa ang mga tauhan ng BuCor na huwag maging duwag.

Ani Dela Rosa, kung ang mga tauhan ng BuCor ay takot sa mga preso dapat umalis na lang sila sa serbisyo.

Sinabihan din ni Dela Rosa ang kaniyang mga tauhan na magtulung-tulong at gawin ang lahat upang malinis ang bilangguan.

Nanindigan si Dela Rosa na ang kaniyang misyon ay masawata ang illegal drug trade sa Bilibid.

Matapos ang flag raising ceremony, ininspeksyon naman ni Dela Rosa ang Building 14 sa NBP para tignan ang lagay ng mga convicted drug lords sa kanilang mga selda.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...