3 hinihinalang tulak ng droga sa Batangas, patay sa magkakahiwalay na operasyon

By Rohanisa Abbas May 07, 2018 - 08:36 AM

Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng droga sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Batangas.

Sa Lipa City, kinilala ang napatay na suspek na si Randy Topacio. Ayon sa pulisya, pinaputukan ni Topacio ang ka-transaksyon nitong undercover police pasado hatinggabi ng Lunes.

Isinugod pa sa ospital ang suspek pero namatay habang ginagamot.

Sa Batangas City, nauwi rin sa shootout ang buy-bust operation laban kay Roderick Fajilan dakong alas-11:00 kagabi.

Ayon sa pulisya, binaril ni Fajilan si PO3 Romulo dela Peña kaya napilitang manlaban ang pulis na napatay ang suspel.

Sa San Jose, tinarget naman ng buy-bust operation si Abtaham Awat dakong alas-8:00 kagabi. Pinaputukan din ni Awat ang mga pulis kaya gumanti rin ng putok ang mga pulis.

Namatay naman ang suspek habang itinatakbo sa ospital.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Batangas, crime, Illegal Drugs, police operations, Radyo Inquirer, Batangas, crime, Illegal Drugs, police operations, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.