Kanselasyon sa bookings sa mga TNVS ikinukonsiderang gawing criminal offense
Ikukunsidera ng House Committee on Transportation na gawing isang criminal offense ang pagkansela ng mga drivers ng transport network vehicle services (TNVS) sa bookings ng kanilang mga pasahero maging ang pagtanggi ng mga taxi drivers sa destinasyon ng mga commuters.
Ayon kay panel Vice Chairman Rep. Edgar Mary Sarmiento, magpapatuloy ang deliberasyon sa mga nakapending na panukala para pagandahin ang serbisyo ng TNVS sakaling matapos ang recess ng Kongreso sa May 15.
Tiniyak ni Sarmiento ang proteksyon ng riding public.
Samantala, nanawagan naman si Rep. Raneo Abu sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tiyakin ang proteksyon ng mga commuter at ipatupad nang maayos ang mga rules and regulations para sa TNVS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.