Ancestral house sa Proj. 4, QC, tinupok ng apoy

Twitter Photo: Fire Alert Metro Manila

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Project 4 sa Quezon City.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at natupok ang isang ancestral house sa Kalantiaw Street, Brgy. Masagana.

Nagsimula ang sunog bago mag alas 9:00 ng gabi na agad din namang naapula.

Ayon sa Quezon City Fire Department sa bodega ng bahay nagsimula ang apoy na may lamang mga donasyong damit.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala na naidulot ng nasabing sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...