3 suspek sa pamumugot ng ulo sa 2 magsasaka sa Maguindanao, sumuko sa mga otoridad

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 07, 2018 - 06:26 AM

Sumuko ang tatlong katao na nasa likod ng pagpugot ng ulo sa dalawang magsasaka sa bayan ng Parang sa Maguindanao.

Ang pagsuko ng dalawang suspek ay bunsod ng ginawang aksyon ng Iranon Inter Agency Task Force na kinapapalooban ng mga bayan ng Parang, Barira, Buldon at Matanog kasama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ayon kay Barira Mayor Barok Tomawis, nahirapan silang kumbinsihin ang tatlong suspek na sumuko dahil sa bigat ng krimeng kanilang nagawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Mali Lidasan, Kamlon Gani at Honasan Mawaro na pawang residente sa bayan ng Barira.

Ang tatlo ay nasa likod ng pagpaslang sa dalawang magsasaka noong April 28.

Nakita ang mga wala nang buhay na katawan ng mga biktimang sina Cesar fermin at Jaybon Bistas malapit sa isang niyogan kung saan sila nagtatrabaho.

Ayon sa pahayag ng mga suspek, nakainom sila ng gabing iyon nang makasagutan nila ang dalawang biktima.

Sa kasagsagan ng away, nagbanta umano ang dalawa na sila ay papatayin kaya sila ay bumalik para maghiganti.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 3 suspects, arrested, barira, maguindanao, Murder, parang, 3 suspects, arrested, barira, maguindanao, Murder, parang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.