Cong. Martin Romualdez, tatakbong senador, Rep. Bataoil, tatakbo muling kinatawan ng Pangasinan

By Chona Yu, Ruel Perez October 13, 2015 - 11:30 AM

Martin and LeopolPormal na nga naghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-senador si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.

Si Romualdez ay tatakbo sa ilalim ng partidong Lakas-CMD.

Ayon kay Romualdez, kabilang din sya sa mga ikinukunsidera sa line-up ng mga kandidato ng iba pang mga partido.

Sa kanyang pagtakbo sa senado magiging prayoridad umano ni Romualdez ang pagbuo ng ahensya para tumugon sa kalamidad.

Ani Romualdez, ang bubuing ahensya ay may sariling pondo at hindi gaya ng umiiral ngayon na coordinating agency lamang ang nakatutok sa mga kalamidad.

Maliban kay Romualdez, naghain na rin ng COC sa pagka-senador si dating Senior Citizens Part List Rep. Godofredo Arquiza. Gayundin ang isang chemical engineer na si Victor Quijano at isang Rolando Mirano ng Marinduque.

Samantala, sa Pangasinan, naghain ng COC bilang reelectionist si Cong. Leopoldo Bataoil sa ikalawang distrito ng lalawigan.

Si Bataoil na dating tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) ay tatakbo sa ilalim ng partido liberal.

Si Pangasinan 3rd Dist. Rep. Baby Arenas ay naghain na rin ng COC at tatakbong reelectionist sa ilalim rin ng Liberal Party.

TAGS: Leopoldo Bataoil, Martin Romualzdez, Leopoldo Bataoil, Martin Romualzdez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.