Posibilidad na muling idaos sa bansa ang Miss U nasa 90% — DOT

By Rhommel Balasbas May 07, 2018 - 03:55 AM

Mayroong 90% na tyansang sa Pilipinas ganapin ang susunod na edisyon ng Miss Universe pageant. Ito ay ayon mismo kay Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na nagsabing ito ay resulta ng serye ng pag-uusap ng kagawaran at ng Miss Universe organization. Anya pa, sakaling maisara na ang deal at tuluyang sa bansa na gaganapin ang prestihiyosong pageant ay gaganapin ang swimsuit competition nito sa Boracay island matapos itong isailalim sa rehabilitasyon. Matatandaang noong nakaraang buwan, sinabi ng DOT na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte pa ang nagmungkahi na ganapin ang Miss Universe pageant sa Boracay upang i-promote ang pagbubukas nito matapos ang anim na buwang pagsasara. Samantala, nasa bansa ngayon sina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters na namataang nanonood ng finals ng World’s Strongest Man sa Luneta. Nang tanungin si Teo kung bakit nasa bansa ang dalawang beauty queens ay sinabi nitong may inaasikaso ang dalawa na mas nagpalala pa sa mga ispekulasyon na sa bansa idaraos ang pageant. Samantala, hindi na umano si dating Ilocos Sur governor Chavit Singson ang magiging sponor ng pageant at kasalukuyan na anila silang may nakakausap ngayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.