Mga campaign posters na hindi sumunod sa election code tinanggal ng COMELEC

By Justinne Punsalang May 07, 2018 - 03:47 AM

Pinagtatanggal ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga posters ng kandidato para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na hindi sumunod sa Omnibus Election code sa Zamboanga City.

Ayon kay Atty. Stephen Roy Cañete na isa sa mga election officer ng Zamboanga City, mayroong mga poster ng kandidato na dalawa hanggang tatlong talampakang mas malaki kaysa sa itinakda ng COMELEC.

Ilan naman sa mga campaign posters ang nakadikit sa mga ipinagbabawal na lugar, kagaya ng puno at poste ng kuryente, maging sa mga pedicab.

Babala ng COMELEC, kung ipagpapatuloy ng mga kandidato ang paglabag sa Omnibus Election code ay hindi na sila mag-aatubiling ipa-disqualify ang mga ito. Sa ngayon kasi ay tinanggal lamang ng COMELEC ang mga posters at nag-warning sa mga kandidato.

Ayon pa kay Cañete, maaaring mismong mga residente ang magreklamo sa COMELEC kung makikita nila ang mga kandidato sa kanilang lugar na lumalabag sa nakatakdang panuntunan para sa mga campaign materials.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.