7 bata nalason sa kinaing pizza sa Quezon City

Nauwi sa pagkakaospital ang pitong bata sa lungsod Quezon matapos umanong malason sa kinaing pizza.

Patuloy umano ang naging pananakit ng tiyan, pagdudumi at pagsusuka ng pitong bata matapos kainin ang pizza na binili sa Brgy. Pag-asa hapon ng Sabado.

Ayon kay Teresita Credo, residente ng Barangay Silangan, ina ng apat na bata, lola ng dalawa at kaanak ng isa pa, sabay-sabay ang pagsakit ng tiyan ng mga ito.

Nasa siyam hanggang 17 ang edad ng mga bata na nabiktima umano ng food poisoning ayon sa ulat.

Isinugod ang mga bata sa East Avenue Medical Center upang bigyan ng lunas.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.

Read more...