Daraga, Albay, may bagong Mayor

Carlwyn Baldo Facebook

May bagong alkalde ang bayan ng Daraga sa Albay sa katauhan ni dating Vice Mayor Carlwyn Baldo.

Ito ay matapos pumanaw ang elected mayor ng bayan na si Mayor Gerry Jaucian noong umaga ng Biyernes dahil sa lung cancer.

Nanumpa sa kanyang bagong pwesto si Baldo noong araw rin ng Biyernes habang itinalaga sa pagka-bise alkalde ang first councilor ng bayan na si Victor Perete.

Nagpaabot ng pakikiramay si Baldo sa kanilang dating alkalde.

Hiningi naman nito ang kooperasyon ng bawat mamamayan ng Daraga at nangakong gagawin ang lahat upang gawing ‘most livable’ ang kanilang bayan sa buong lalawigan.

Read more...