1 kilo ng cocaine narekober sa baybayin Palawan
Inanod sa dalampasigan ng Cuyo, Palawan ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang cocaine.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), isang residente ang tumawag sa kanila upang ireport ang tungkol sa isang kahina-hinalang pakete na inanod sa tabing dagat.
Nang siyasatin ng mga otoridad, nakita nila na may laman itong puting pulbos.
Sa pagtataya, may bigat itong isang kilo.
Bagaman hindi pa kumpirmado kung cocaine nga ito, ay nagpositibo naman itong illegal substance nang ipaamoy sa Coast Guard Narcotics working dog.
Hinala ng mga otoridad, posibleng kasama ito sa nadiskubreng plastic container na naglalaman ng cocaine at napadpad naman sa Quezon province kamakailan.
Sa ngayon ay inaanalisa na ng SOCO ang narekober na ilegal na droga upang makumpirma kung cocaine nga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.