Pinatunayan ng PBA na hindi lamang basketball ang kanilang isinusulong ngunit ang buong industriya ng palakasan sa Pilipinas.
Ito’y matapos magbigay ng PBA ng P46 milyon sa Philippine Olympic Committee (POC).
Sa pangunguna ni PBA commissioner Willie Marcial, ay ihinandog ng Board of Governors ang donasyon kay POC president Ricky Vargas.
Tig-P20 milyon ang ibinigay ng San Miguel Corporation at MVP Sports Foundation, habang nagbigay naman ng tig-P500,000 naman ang ibinigay ng 12 PBA teams.
Malugod na tinanggap ni Vargas ang donasyon. Aniya, malaking tulong ito para sa mga atleta sa bansa, partikular na ang programa para sa Southeast Asian Games at Asian Games.
Ayon naman kay San Miguel Corporation (SMC) sports director Alfrancis Chua, layunin talaga ng kanilang kumpanya na makatulong sa mga atletang Pilipino.
Ang pondo mula sa SMC ay mapupunta sa partikular na NSA na pipiliin ng kumpanya, habang ang pondo naman mula sa MVPSF ay gagamiting incentive para sa mga mananalong atleta.
Samantala, ang pondo mula sa PBA ay ilalaan naman para sa training ng mga atleta na sasabak sa 2018 Asian Games at 2019 SEA Games.