“Wala pong iyakan ngayon.” — Sarah Geronimo

By Justinne Punsalang May 06, 2018 - 10:56 PM

Instagram: sarahgeronimoshots

Bumawi ang pop star na si Sarah Geronimo sa kanyang mga taga-hanga sa Estados Unidos.

Matapos ang kanyang naging kontrobersyal na breakdown sa kanyang pagtatanghal sa Las Vegas, ay nagpaliwanag si Sarah sa nangyari.

Sa video na inupload ni Ash Rick ngunit kuha ni Marlon Pecson, ay mapapanood na ipinaliwanag ng sikat na singer habang nagtatanghal para sa Chicago audience na dala lamang ng pagod ang kanyang emotional breakdown sa Las Vegas.

Aniya, nagpanic siya dahil wala siyang tulog at naramdaman niyang nagkakaroon ng problema ang kanyang boses.

Kasabay noon ay binalikan niya ang lahat ng kanyang pinagdaanan at pinagdadaanan kaya naman nagpatung-patong na ang lahat ng emosyon sa kanyang dibdib.

Habang nagpapaliwanag ay nagbiro pa si Sarah na hindi na siya iiyak dahil nagkakaroon lamang ng pagkakataon ang kanyang mga bashers para batikusin siya.

Aniya pa, habang mayroon siyang pinagdaraanan at naramdaman niyang mayroon pang kulang sa kanyang buhay, ay nakatanggap siya ng isang importanteng advice. At iyo ay gamitin ang talentong ibinigay sa kanya ng Panginoon para magbigay-pugay sa Kanya.

Inamin pa ng pop star na natatako siyang bumalik sa States dahil baka walang manood sa kanyang concert. Kaya naman laking pasasalamat ni Sarah sa lahat ng kanyang mga tagahanga na dumating sa kanyang ‘This 15 Me’ concert tour.

Matapos nito ay bumirit na si Sarah ng kanyang signature song na ‘Forever’s Not Enough.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.