Mahigit 2M turista dumating sa Pilipinas sa unang quarter ng taon — DOT

Mahigit 2 milyong dayuhang turista ang bimisita sa Pilipinas sa unang quarter pa lamang ng taon.

Ito ang inihayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo.

Dagdag pa ng kalihim, malaking bahagdan ng mga turista ay pawang mga Chinese at Korean nationals. At kung isasama naman ang mga turista mula sa Estados Unidos ay aabot na ang bilang sa mahgit sa kalahati ng mga tourist arrivals sa bansa.

Sa datos na hawak ng DOT, nagkaroon ng 14.80% increase ang bilang ng mga turista sa Pilipinas kung ikukumpara sa bilang ng mga turista sa kaparehong panahon noong 2017. Mula kasi sa 1,784,882 turista noong first quarter ng 2017, 2,049,094 ang bilang ng tourist arrival sa bansa ngayong 2018.

Ang iba pang mga dayuhang turista na pumasok ng Pilipinas sa unang quarter ng 2018 ay mula sa mga bansang Japan, Australia, Canada, Taiwan, United Kingdom, Singapore, Malaysia, Hong Kong, at India.

Read more...