Unang litrato ni Prince Louis isinapubliko ng royal family

By Justinne Punsalang May 06, 2018 - 09:43 PM

Kensington Palace Photo

Inilabas na ng Kensington Palace ang unang mga litrato ng newest addition sa royal family na si Prince Louis.

Makikita sa unang litrato ang pagiging sweet ni Princess Charlotte kung saan hinalikan nito ang noo ng kanyang nakababatang kapatid.

Sunod naman ang litrato ni Prince Louis habang nakahiga sa mga unan sa loob ng kanilang tahanan sa Kensington Palace.

Ayon sa official Twitter account ng palasyo, mismong si Duchess of Cambridge Kate Middleton ang kumuha ng mga litrato. Ang una ay noong ikatlong kaarawan ni Princess Charlotte noong May 2, habang ang ikalawang litrato naman ay noong April 26 na siyang ikatlong araw simula nang maipanganak si Prince Louis.

Samantala, bukod sa excitement dahil sa bagong baby ay naghahanda na rin ang royal family para sa nalalapit na kasal ni Prince Harry at ng US actress na si Megha Markle sa May 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.