Petron Blaze Spikers inuwi ang kampeonato sa Chooks To Go-PSL Grand Prix

Wagi ang Petron Blaze Spikers kontra F2 Logistics Cargo Movers sa kanilang huling tapatan para sa 2018 Chooks To Go-PSL Grand Prix finals.

Dahil dito ay naiuwi ng Blaze Spikers ang korona para sa torneo matapos magwakas ang laro sa iskor na 25-19, 25-20, 22-25, at 25-18.

Masaya ang coach ng Petron na si Shaq delos Santos dahil sa kanilang pagkapanalo.

Aniya, bago magsimula ang laro ay nakaramdam siya ng takot dahil sa posibilidad na maulit ang nangyari noong nakaraang taon kung saan pumangalawa lamang sila sa Cargo Movers matapos silang talunin ng koponan sa finals.

Ani delos Santos, nangako ang lahat ng mga coach at manlalaro ng Blaze Spikers na gagawin nila ang lahat para lamang hindi maulit ang nangyari noong 2017.

Nanguna para sa Petron si Katherine Bell na nakapagbigay ng 28 points, at sinundan naman siya ni Lindsay Stalzer na nakapagtala ng 24 na puntos.

Si Stalzer rin ang hinirang bilang Most Valuable Player (MVP) para sa taong ito.

Read more...