131 Sri Lankans naharang ng Malaysian Police

By Justinne Punsalang May 06, 2018 - 06:17 PM

Royale Malaysian Police/AP Photo

Hinarang ng Malaysian Police ang isang tanker na may sakay na 131 Sri Lankan nationals sa baybayin ng southern Johor state.

Sa isang pahayag, sinabi ni Malaysian Police chief Mohamad Fuzi Harun na posibleng papuntang Australia at New Zealand ang tanker at bahagi ito ng isang malaking human smuggling ring sa Sri Lanka.

Ani Fuzi, sa naturang bilang, 98 ang mga lalaki, 24 ang babae, habang 5 ang batang babae, at 4 naman ang batang lalaki.

Bukod pa dito, inaresto rin ng Malaysian Police ang 3 Indonesian nationals at 4 na Malaysian na sakay naman ng isang bangka. Limang iba pang mga Malaysians ang hinuli rin dahil sa hinihinalang pagkakasangkot sa naturang sindikato.

Dagdag pa ni Fuzi, simula pa noong 2017 ay nag-o-operate na ang human smuggling syndicate at mayroon itong international connection sa mga bansang Sri Lanka, Australia, New Zealand, Indonesia, at Malaysia.

Dahil dito, makakasuhan ang 127 Sri Lankan nationals dahil sa iligal na pagpasok sa Malaysia, habang ang mga naarestong 9 na Malaysian, 4 Indonesian, at 4 na Sri Lankan ay isasailalim naman sa imbestigasyon tungkol sa human smuggling syndicate.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.