VP Robredo tinawag na double standard ni Cayetano

Binatikos ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano si Vice President Leni Robredo dahil sa pagiging double standard nito sa nagaganap na gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Bwelta ito ni Cayetano kay Robredo matapos ihayag ng huli na kinakailangan nang gumawa ng decisive steps ang pamahalaan para maresolba ang diplomatic crisis.

Ayon kay Cayetano, double standard ang banat ni Robredo dahil kung matatandaan, siya rin naman ay nagpakalat ng fake news nang magpadala ng video message sa United Nations (UN) kaugnay sa libu-libong napatay sa extra-judicial killings sa bansa bunsod ng anti-drug war campaign ng administrasyon.

Nakadidismaya ayon kay Cayetano na pinipintasan ni Robredo ang rescue operation na nakasisira umano sa imahe ng gobyerno.

Dapat aniyang sundin ni Robredo ang worldwide protocol na kapag may pinagdadaanan ang isang bansa ay dapat patapusin muna ang negosasyon bago pintasan o banatan.

Read more...