Unang 2 araw ng campaign period sa Brgy & SK elections, generally peaceful – PNP

Generally peaceful ang unang dalawang araw ng pangangampanya sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. John Bulalacao simula April 14 mayroong 16 na suspected violent election-related incident na naitala ang kanilang hanay.

Nadagdag aniya sa talaan ang isang insidente kagabi sa Managao, Pangasinan kung saan isang barangay official ng urdenate ang nabiktima.

Ayon kay Bulalcao, sa 16 na insidente, 21 ang nasawi at lima ang sugatan.

64 katao naman aniya ang naaresto dahil sa election gun ban at checkpoint kung saan 35 armas ang nakumpiska.

Sa mga naaresto, anim ang miyembro ng PNP, limang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 12 elected government officials at dalawang miyembro ng ibang law enforcement agency.

Nakakulong na aniya ang mga naaresto subalit maari namang magpiyansa sa lumabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearmed and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code.

Read more...