Mayor na bihag ng ASG, pinalaya na

By Josephine Jaron Codilla October 13, 2015 - 09:56 AM

zamboanga sibugayPinalaya na kaninang umaga, Martes, Oktubre 13, ang dinukot na Mayor ng bayan ng Naga sa Zamboanga, Sibugay na si Mayor Gemma Adana.

Si Adana ay dinukot ng limang kalalakihan sa kanyang bahay sa Taytay Manubo sa natura ding bayan noong Abril 6, 2015.

Dinala sa Sulu ang alkalde at doon din pinalaya ng grupo ng Abu Sayyaf.

Agad na pinadala ni BGen Arrojado si Col. Bernie Sun at isang 501st Brigade medical platoon sa bahay ng gobernador upang sunduin si Adana at madala sa Camp General Teodulfo Bautista Trauma Hospital (KHTB) para sa isang medical check up bago ang isang debriefing na isasagawa ng Joint Task Intelligence Unit (JITU)-Sulu.

Ayon sa inisyal na report, nahihirapan na ang mga dumukot sa alkalde at sa iba pang hostages dahil sa puspusang military at police pressure na dulot ng isinasagawang walang puknat na military operations ng Joint Task Group Sulu. at ng kapulisan sa probinsiya.

TAGS: ZamboangaSibugay, ZamboangaSibugay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.