Sr. Fox, nais bumalik sa tahimik na buhay at manatili sa Pilipinas
Bumalik sa tahimik na buhay at manatili pa sa Pilipinas.
Ito sana ang balak ni Australian missionary Sister Patricia Fox kung hindi naglabas ng deportation order ang Bureau of Immigration dahil sa pagdalo niya umano sa mga political rally sa bansa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Sister Fox na nagustuhan na niya ang pamumuhay sa Pilipinas.
Ayon kay Sister Fox, hindi pa siya handa na umalis ng bansa.
May mga invitation pa aniya siya na dadaluhan.
Katunayan, hindi pa siya nagbabalot ng kanyang mga gamit.
Gayunman, sinabi ni Sister Fox na kailangan harapin ang reyalidad.
Base sa deportation order ng BI, hanggang sa May 24 maaring manatili sa bansa si Sister Fox.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.