Sr. Fox, umaasa pa ring irerekonsidera ni Pang. Dutetre ang deportation order ng BI

By Chona Yu May 06, 2018 - 11:47 AM

Inquirer file photo

Umaasa pa rin si Australian missionary Sister Patricia Fox na irerekonsidera pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deportation order sa kanya ng Bureau of Immigration (BI).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Sister Fox na kung siya lang ang masusunod, gusto pa rin niyang manatili sa bansa para mapagsilbihan ang mga magsasaka, katutubo, at iba pang mga mahihirap na walang boses sa mamamayan.

Ayon kay Sister Fox, sana ay matuloy pa ang legal process kung saan nakapaghain na siya ng motion for reconsideration at nakapagsumite na ng counter affidavit.

Sinabi pa ni Sister Fox na kung mabibigyan man siya ng pagkakataon na makausap ang pangulo, nanaisin niyang makasama sa pag-uusap ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor para maipabatid sa pangulo ang kanilang tunay na kalagayan.

Ayon kay Sister Fox, nakalulungkot kung matutuloy ang kanyang pag-alis sa Pilipinas lalo’t isang Filipina na ang kanyang turing sa sarili.

TAGS: deportation order, Rodrigo Duterte, Sister Patricia Fox, deportation order, Rodrigo Duterte, Sister Patricia Fox

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.