Nat’l Artist for Literature Bautista, pumanaw na

Inquirer file photo

Pumanaw na ang National Artist for Literature na si Dr. Cirilo Bautista sa edad na 76.

Inanunsiyo ito ng De La Salle University (DLSU) Department of Literature ngunit hindi na idinetalye ng departamento ang pagpanaw ni Bautista.

Nagtapos si Bautista na magna cum laude sa University of Santo Tomas (UST) sa kursong AB Literature at kumuha ng graduate studies sa Saint Louie University sa Baguio.

Naging propesor si Bautista sa DLSU at San Beda College kung saan naitatag ang Bienvenido Santos Creative Writing Center.

Nakilala rin si Bautista sa kanyang pamumuno sa Philippine Literary Arts Council noong 1981 at bilang Palanca Awards Hall of Famer.

Matatandaang hinirang bilang National Artist for Literature si Bautista noong 2014 sa panahon ng administrasyong Aquino.

Read more...