Ginang kulong sa pagsusuplay ng droga sa nakakulong na partner sa Maynila

By Ricky Brozas May 06, 2018 - 10:45 AM

Credit: Google

Hindi na nakalabas ng Sta. Mesa Police Station ang isang ginang na bumibisita lamang sa kanyang nakakulong na live-in partner makaraang makuhanan ng ilegal na droga ng mga pulis na sumita sa kanya.

Batay sa impormasyon mula kay Police Supt. Ruben Rama Ramos ng Sta. Mesa Police Station-6, pasado alas 5:40 Sabado ng hapon nang bisitahin ng suspek na si Glenda Garcia, 42 anyos ang kanyang nakakulong na nobyo na si Wesly Imperial, na nakulong din dahil sa kasong droga.

At habang nasa loob ng istasyon ng pulis ang ginang ay nakatanggap ng impormasyon si PCInsp. Ermie San Agustin na sinusuplayan umano ng shabu ni Garcia ang mga inmate sa kanilang presinto.

Dahil dito ay nagsagawa ng security inspection si San Agustin at ipinag-utos ang pagkapkap sa suspek. Dito ay positibong nakuhanan ng 2-piraso ng plastic sachet ng shabu si Garcia na nagtitimbang ng 0.04 na gramo.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kinahaharap ng suspek na idinetine na rin sa loob ng tanggapan ng Sta. Mesa PS-6.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.