INC Worldwide Walk, dinagsa

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Dinagsa ng mga miyembro ng Iglesia ni Crista o INC ang kanilang tinaguriang Worldwide Walk to fight poverty, araw ng Linggo (May 6).

Bata man o matanda, lalake at babae, nakibahagi sa worldwide walk na nag-umpisa 6:00 ng umaga.

Libu-libo ang kumumpleto na sa 1.6 kilometrong lalakaran sa kahabaan ng Roxas Boulevard pero tuluy-tuloy ang pagdating ng mga tao.

Bawat isa ay binigyan ng wristband na kailangang ihulog sa drop box kapag narating na nila ang finish line.

Ang mga wristband na ito ang bibilangin ng pamunuan ng Guinness Book of World Records upang mabatid kung nakamit nila ang official attempt.

Hindi lamang sa Maynila may aktibidad, kundi maging sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa iba pang dako ng mundo.

Limang bagong world records ang tangkang makuha ng INC, at ito ay ang:

– Largest human sentence, kung saan pumorma ang mga miyembro ng religious group para mabuo ang “Proud to be a member of Iglesia ni Cristo.”
– Largest picture mosaic formed by people
– Largest charity walk across multiple venues
– Largest charity walk in a single venue
– Most nationalities in a charity walk

As of 9AM, aabot na sa 1.2 million ang crowd estimate sa lungsod ng Maynila. Nasa 20 na participants ang binigyan ng medical attention dahil sa pagkahilo at hypertension batay sa Manila Police District (MPD).

Kasabay ng buhos ng napakaraming tao, nakakalat ang mga pulis-Maynila sa tulong ng iba pang pwersa ng Philippine National Police (PNP) upang magtiyak ng kaligtasan at kapayapaan sa mga lugar ng aktibidad ng INC.

Read more...