Dinagsa ng mga miyembro ng Iglesia ni Crista o INC ang kanilang tinaguriang Worldwide Walk to fight poverty, araw ng Linggo (May 6).
Bata man o matanda, lalake at babae, nakibahagi sa worldwide walk na nag-umpisa 6:00 ng umaga.
Libu-libo ang kumumpleto na sa 1.6 kilometrong lalakaran sa kahabaan ng Roxas Boulevard pero tuluy-tuloy ang pagdating ng mga tao.
Bawat isa ay binigyan ng wristband na kailangang ihulog sa drop box kapag narating na nila ang finish line.
Ang mga wristband na ito ang bibilangin ng pamunuan ng Guinness Book of World Records upang mabatid kung nakamit nila ang official attempt.
Hindi lamang sa Maynila may aktibidad, kundi maging sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa iba pang dako ng mundo.
Limang bagong world records ang tangkang makuha ng INC, at ito ay ang:
– Largest human sentence, kung saan pumorma ang mga miyembro ng religious group para mabuo ang “Proud to be a member of Iglesia ni Cristo.”
– Largest picture mosaic formed by people
– Largest charity walk across multiple venues
– Largest charity walk in a single venue
– Most nationalities in a charity walk
As of 9AM, aabot na sa 1.2 million ang crowd estimate sa lungsod ng Maynila. Nasa 20 na participants ang binigyan ng medical attention dahil sa pagkahilo at hypertension batay sa Manila Police District (MPD).
Kasabay ng buhos ng napakaraming tao, nakakalat ang mga pulis-Maynila sa tulong ng iba pang pwersa ng Philippine National Police (PNP) upang magtiyak ng kaligtasan at kapayapaan sa mga lugar ng aktibidad ng INC.
TINGNAN: Dagsa ang mga tao sa Roxas Boulevard kaugnay sa #INCwalktofightpoverty na nag-umpisa kaninang alas-sais ng umaga.@dzIQ990 pic.twitter.com/AEsCDa4O9V
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) May 6, 2018
INC members, nagtipun-tipon na sa Quirino Grandstand sa tangkang makuha ang world record para pinakamalaking human sentence. @dzIQ990 pic.twitter.com/HLx728a5nm
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) May 6, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.