Campaign posters na may konseptong ‘Avengers,’ tinutulan ng Comelec

Credit: Askale FB page

“Baduy yun”

Ganito inilarawan ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez ang ilang lumabas na campaign materials para sa 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Gamit ang kaniyang Twitter account, tinutulan ni Jimenez ang mga lumabas na posters na gumamit ng imahe mula sa blockbuster movie na ‘Avengers: Infinity War.’

Hindi aniya “cool” na baguhin at palitan ng mukha ng mga kandidato ang mga imahe ng mga kilalang karakter sa naturang pelikula.

Dagdag pa nito, ginagawa aniyang “bobo” ang mga botante sa bagong istilo ng ilang kandidato.

Binantaan pa ni Jimenez ang ilang kandidato na ma-copyright infringement sa ginawang posters.

Sa kasagsagan ng kampanya, nagpaalala naman ang Comelec na mag-imprinta ng poster na tama sa itinakdang sukat at common poster areas.

Read more...