Pilipinas, nagpahayag ng suporta sa naganap na Inter-Korean Summit sa Panmunjeom

Nagpahayag ng suporta ang pamahalaan ng Pilipinas sa makasaysayang Inter-Korean Summit sa pagitan nina South Korean President moon Jae-in at North Korean leader Kim Jong un sa Panmunjeom.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs na umaasa ang bansa na ang naturang pangyayari nawa ay magdulot ng kapayapaan na matagal nang inaasam sa Korean Peninsula.

Ang pulong ng dalawang lider ay nagresulta sa resolusyon na tinatawag na “Panmunjeom Declaration for Peace, Prosperity, and Unification of the Korean Peninsula”.

Ayon pa sa DFA, nawa’y ang resolusyon ay magdulot ng tuluyang denuclearization sa rehiyon.

Matatandaang noong May 4 ay agad na ni-reset ng North Korea ang oras nito ng kapareho na ng sa South Korea.

Ayon sa ulat ng Korean Central News Agency (KCNA) ng NoKor, ang naturang hakbang ay isa sa mga unang proseso upang mapanumbalik ang pagiging isa ng dalawang Koreanong bansa.

Read more...