Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi muna maisasapubliko ang mga detalye ng hakbang ng gobyerno sa isyu dahil nakasalalay ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers sa kuwait.
Pero sinabi ni Roque na may pag-asa pa na pirmahan ng Kuwait ang Memorandum of Understanding.
Una nang sinabi ng palasyo na ‘status quo’ ang deployment ban sa naturang Arab country.
Nag-ugat ang isyu sa pagligtas ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa mga distressed OFW sa Kuwait.
Nagresulta ito sa pagpapalayas kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa at ang pagrecall naman sa Kuwait Ambassador sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES