Malacañang, umapela sa publiko na maging mapagpasensya kaugnay ng isyu sa Kuwait

By Marilyn Montaño May 06, 2018 - 01:51 AM

Hiniling ng Malakanyang sa publiko na maging mapag-pasensya kaugnay ng solusyon sa problema ng Pilipinas sa Kuwait.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi muna maisasapubliko ang mga detalye ng hakbang ng gobyerno sa isyu dahil nakasalalay ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers sa kuwait.

Pero sinabi ni Roque na may pag-asa pa na pirmahan ng Kuwait ang Memorandum of Understanding.

Una nang sinabi ng palasyo na ‘status quo’ ang deployment ban sa naturang Arab country.

Nag-ugat ang isyu sa pagligtas ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa mga distressed OFW sa Kuwait.

Nagresulta ito sa pagpapalayas kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa at ang pagrecall naman sa Kuwait Ambassador sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.