Duterte muling binuweltahan ni Sereno sa quo warranto petition sa Supreme Court

By Den Macaranas May 05, 2018 - 08:14 PM

Inquirer photo

Aminado si Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno na ramdam niya ang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa quo warranto petition na isinampa laban sa kanya.

Sa kanyang pagdalo sa forum na may titulong “The Mumshie on Fire: Speak Truth to Power sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City, sinabi ni Sereno na direktang nagrereport si Solicitor General Jose Calida sa pangulo.

Ito umano ang dahilan kaya malinaw na alam ng pangulo ang inihaing reklamo sa kanya ni Calida sa Mataas na Hukuman.

Bukod dito ay sinabi rin ni Sereno na malinaw naman na gusto siyang mapatalsik sa pwesto ng pangulo na para makontrol ng pamahalaan ang Supreme Court.

Hinamon rin niya ang pangulo na kung talagang wala siyang basbas sa inihaing reklamo ay utusan nito ang Solicitor General na iatras ang reklamo at hayaan na lamang an umusad ang impeachment complaint sa Senado.

Nauna dito ay napaulat na nagsimula nang maghakot ng kanyang mga kagamitan palabas ng Supreme Court ang ilan sa mga staff ni Sereno.

Sa May 11 ay inaasahang magdedesisyon ang mga mahistrado ng Supreme Court kaugnay sa inihaing quo warranto petition laban sa nakabakasyon na Chief Justice.

TAGS: calida, Chief justice, duterte, quo warranto petition, Sereno, solicitor general, Supreme Court, calida, Chief justice, duterte, quo warranto petition, Sereno, solicitor general, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.