Supervisor ng isang ramen house sa Makati City patay sa pamamaril

Inquirer.net

Patay ang supervisor ng isang ramen house sa Makati City matapos itong barilin ng hindi nakilalang salarin.

Kinilala ang nasawi na si Mark De Jesus na agad nasawi matapos na tatlong beses barilin sa katawan ng isang suspek.

Nakita sa crime scene ang tatlong basyo ng 9mm pistol.

Batay sa cctv footage, biglang binaril ng suspek si De Jesus pagkalabas nito sa kusina para linisin ang mesa ng mga customers.

Noong March 29 ay tatlong lalaki ang nagnakaw sa mga customers ng ramen house at sa mga dumaraan lang sa lugar at nakuha ang mga suspek ng walong cellphone at P8,000 cash.

Pero ayon kay SSupt. Gerardo Umayao, Hepe ng Makati City Police na talagang patayin si De Jesus at hindi pagnanakaw ang motibo.

Matapos ang pamamaril ay naglakad lang ang suspeck papuntang Gil Puyat avenue.

Read more...