Nasugatan ang isang lalaki matapos masunog ang isang tatlong palapag na commercial – residential area sa Banawe kanto ng Cuenco Street, Barangay Lourdes Quezon City
Ayon kay Quezon City Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez, nasugatan sa insidente si Jervis Ty na nagtamo ng 2nd degree burn, matapos tumulong sa pag-apula ng sunog.
Umabot sa 100,000 piso ang halaga ng ari-arian ang napinsala dahil sa nasabing sunog.
Nagsimula ang sunog alas 5:00 ng umaga sa ceiling ng stockroom ng BMW Auto Parts na pag-aari ng isang Felixberto Ching.
Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at naapula alas 5:35 ng umaga.
Sinabi ni Fernandez na posibleng faulty wiring ang pinagmulan ng pagsiklab ng apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.