Trillanes at De Lima nagsanib ng pwersa para ipagtanggol si Sereno

By Den Macaranas May 05, 2018 - 11:41 AM

INQUIRER PHOTO / RICHARD A. REYES

Nanindigan sina Sen. Antonio Trillanes IV at ang nakakulong na si Sen. Leila De Lima na banta sa Saligang Batas ang hindi pagbasura ng Supreme Court sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kaugnay nito ay mulong silang umapela sa mga mahistrado na pag-aralan ng husto ang nasabing petisyon laban sa Chief Justice.

Nanindigan rin ang dalawang opposition senators na tanging ang kongreso lamang ang siyang pwedeng duminig sa reklamo labay kay Sereno sa pamamagitan ng impeachment court.

Nagsumite rin sina Trillanes at De Lima ng opposition-in-intervention sa quo warranto petition na inihain ng Solicitor General sa Korte Suprema.

Nakasaad sa kanilang petisyon na may naganap na grave abuse of discretion sa hanay ng mga mahistrado nang tanggapin nila ang nasabing reklamo.

Dahil sa nasabing reklamo ay nalagay umano sa alanganing sitwasyon ang Mataas na Hukuman dahil sa pagsakop na rin sa kapangyarihan ng Kongreso laban sa mga impeachable officials.

Sa May 11 inaasahang maglalabas ang mga mahistrado ng Supreme Court ng kanilang desisyon sa inihaing petisyon ng Solicitor General na naglalayong balewalain ang appointment ni Chief Justice Sereno.

TAGS: quo warranto, Sereno, solicitor general, Supreme Court, trillanes, quo warranto, Sereno, solicitor general, Supreme Court, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.