Presyo ng lupa sa Marawi City, tumaas nang hanggang 10 beses

INQUIRER FILE

Nagmahal nang hanggang 10 beses ang presyo ng mga lupa sa Marawi City.

Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Undersecretary Adoracion Navarro, nasa P500 per square meter ang halaga ng lupa pero ngayon, aabot sa P5,000 per square meter ang presyuhan sa lupa.

Sinabi ni Navarro na resulta ito ng bakbakan na winasak ang mga bahay at gusali sa lungsod.

Aniya, maingat din ang gobyerno sa paghahanap ng mga lupain at ikinukunsidera nila ang halaga at lokasyon ng mga ito para sa mga panukalang proyekto.

Ayon kay Navarro, hindi naman talamak ang mga may-ari ng mga lupain na nanamantala sa krisis.

Naghahanap ng mga lupain ang gobyerno para pagtayuan ng mga pabahay para sa rehabilitasyon at reconstruction ng Marawi City.

Samantala, tiniyak ni Task Force Bangon Marawi spokesperson Toby Purisima na walang pribadong lupain ang sapilitang kukunin sa nga pinakaapektadong lugar.

Read more...