Naramdaman ang panibagong malakas na lindol sa Big Island, Hawaii.
Ayon sa US Geological Survey, yumanig ang magnitude 6.9 na lindol na naitala 16 kilometro sa timog kanluran ng Leilani Estates.
Naganap ang lindol 12:30 ng tanghali, oras sa Hawaii, isang oras matapos tumama ang isa namang magnitude 5.4 na lindol.
Bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na pagputok ng Bulkang Kilauea.
Isinailalim na sa state of calamity ang Hawaii dahil dito. Sapilitan nang pinalikas ang mga residente dahil sa pagdaloy ng lahar na sa mga lansangan at mga pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES