Pagiging ‘strongman’, pinabulaanan ni Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas May 05, 2018 - 06:02 AM

Kinontra ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taguri sa kanya ng Time Magazine bilang isang ‘strongman’.

Ito ay kasunod ng pagtampok sa pangulo kasama pa ang tatlong world leaders na umano’y pawang ‘strongmen’, sa bagong issue ng sikat na magazine.

Sa isang talumpati sa Davao City, pinabulaanan ng pangulo na siya ay isang ‘strongman’ at wala pa anya siyang napapakulong na kahit sinong nagsalita ng masama o bumatikos sa kanya.

“Isa raw ako sa mga strongmen. Hindi naman ako strongmanI have never sent anyone to prison because they criticized me. I have never sent anyone to jail for talking or badmouthing me,” ani Duterte.

Samantala, sinabi ng pangulo na kahit sinong Filipino naman ay maaring bumatikos sa kanya at tatanggapin niya ito dahil ang mga Filipino ang kanyang boss.

Anya pa, isa lamang siyang empleyado ng gobyerno at iginiit na maaaring gamitin ng kahit sino ang karapatan nitong magpahayag ng saloobin.

“You can criticize me and bullshit me to no end. I can take that because you are my employer. I am just a government worker. Use your freedom of expression,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, iba umano ang kaso kapag banyaga ang bumatikos sa kanya kahit na madre pa ito o relihiyoso.

Samantala, iginiit naman ng pangulo na kahit kailan ay hindi siya naghari-harian sa Pilipinas at ang tanging kanyang ginagawa lamang ay ang tuparin ang kanyang pangakong tuldukan ang iligal na droga, korapsyon at kriminalidad sa bansa.

Nauna nang dinepensahan ng Malacañang ang pagkakahanay kay Duterte sa mga kilalang strongman sa mundo at iginiit na maraming Filipino ang may gusto sa malakas na liderato ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.